
: Habang dumarami ang trabaho sa services industry, dekalidad ba ang mga trabahong nalilikha para sa mga manggagawang Pilipino?
Sinuri ng isang pag-aaral ng PIDS ang labor productivity sa iba’t ibang subsectors ng services industry at naglatag ng isang theory of change upang gabayan ang pamahalaan at mga negosyo sa pagbuo ng mga pangmatagalang solusyon.
Ayon sa pag-aaral, mahalaga ang paglikha ng mas maraming trabaho, ngunit kailangan ding matiyak ang mas mataas na sahod, mas mahusay na kasanayan, at mas malawak na pakinabang mula sa paglago ng ekonomiya para sa mga manggagawa, saanman sila naroroon o anumang sektor ang kanilang kinabibilangan.
Ipinapakita nito na hindi lamang dami ng trabaho ang mahalaga. Mahalaga rin ang kalidad ng mga trabahong nalilikha at kung paano nakatutulong ang mga ito sa pagpapataas ng productivity, kita, at kalidad ng buhay ng mga manggagawa.
Alamin ang mga hamon at oportunidad sa pagpapataas ng labor productivity at kalidad ng trabaho sa services industry sa pag-aaral ng PIDS na ""






