
Alam mo ba kung gaano karaming species ang nanganganib sa loob ng ating mga protected areas?
Ayon sa pagsusuri ng PIDS, ang bilang ng threatened fauna na naitala sa ating mga protected areas ay tumaas mula 212 patungong 1,106.
Maaaring senyales ito ng pagpapalawak ng threat criteria at mas komprehensibong pag-assess ng mga species mula nang pinatupad ang Expanded National Integrated Protected Areas System noong 2018. (Bagama't hindi rin maitatanggi na ang mga environmental factors ay maaaring may kinalaman pa rin sa lumalaking bilang ng mga nanganganib na species.)
Ano ang "protected area" at ano ang kailangan para tunay na mapangalagaan ang ating saribuhay?
Basahin ang buong pag-aaral:
Gallery Images:






